Dalawampu’t lima katao patay sa landslide sa Afghanistan
Patay ang 25 katao at walong iba pa ang nasaktan, bunsod ng landslide na dulot ng matinding pag-ulan ng yelo sa eastern Afghanistan province ng Nuristan.
Tinamaan ng magkahalong lupa, niyebe at durog na mga bato ang nayon ng Nakre na nasa lambak ng Tatin sa Nuristan.
Sinabi ni disaster management ministry spokesman Janan Sayeq, “As a result of the landslide, some 25 people have been killed and eight injured.”
Aniya, ang bilang ng mga namatay ay maaari pang tumaas.
Ang lalawigan ng Nuristan, na nasa hangganan ng Pakistan, ay halos napaliligiran ng bulubunduking kagubatan at malapit sa katimugang dulo ng bulubundukin ng Hindu Kush.
Sinabi ng provincial officials na nakahahadlang din ang niyebe o snow sa rescue efforts.
Ayon kay Mohammad Nabi Adel, pinuno ng public works sa lalawigan, “Due to clouds and rain, the helicopter cannot land in Nuristan, snow had blocked one of the main roads into the province, making the rescue operation difficult.”
Sinabi naman ni provincial head of information and culture Jamiullah Hashimi, na humigit-kumulang sa 20 mga bahay ang nawasak o malubhang napinsala.
Aniya, “Snow continued to fall as rescuers tried to dig people out of the rubble, the efforts were hampered not only by weather but lack of equipment in the remote area. Modern equipment, tools, and facilities are not available for the rescue operation.”
Umaasa lamang ang rescuers sa mga pala, palakol at iba pang hand tools upang hukayin ang lupa at durog na mga bato para makuha ang mga patay.
Kasama rin sa landslide ang malalaking tipak ng mga bato, na kinailangang gamitan ng mga pampasabog upang makadaan ang mga rescuer.
Ayon sa mga eksperto, “Mountainous areas of Afghanistan have long been prey to landslides and floods, but in recent years risks have increased due to deforestation and drought, worsened by climate change.”
Sinabi ni Rohullah Amin, head ng climate change for the National Environmental Protection Agency (NEPA), “When vegetation cover or the forests are cut down, or if green coverage doesn’t exist in the area, soil erosion occurs. With soil erosion, when it rains or snows and the vegetation cover… doesn’t exist anymore it causes such landslides.”
Ang pagbagsak ng niyebe ngayong season ay naantala sa maraming bahagi ng Afghanistan, na nakasanayan na ang matitinding panahon ng taglamig ngunit nasa ikatlong taon na ng tagtuyot.
Ayon sa mga opisyal, “there has been less snowfall in Nuristan compared to previous years,” bagama’t sinabi ni Amin, “the province was not less hard-hit by drought than other parts of the country.”
Sabi naman ni Adel, “This year we had little snow and it doesn’t last for long.”
Ang lubhang mababang lebel ng ulan sa bansa na lubhang umaasa sa agrikultura, ang nagtulak sa maraming mga magsasaka na ipagpaliban muna ang pagtatanim.
Ang South Asian country ay dating sagana sa humanitarian aid kasunod ng US-led occupation, subalit ang tulong sa Afghanistan ay nabawasan simula nang magbalik sa kapangyarihan ang Taliban sa kalagitnaan ng 2021, na ang iba sa dahilan ay ang maraming mga kabawalang ipinapataw sa mga kababaihan.