Dalawang dayuhang turista patay sa landslide sa Bali
Dalawang dayuhang turista kabilang ang isang Australian woman ang namatay sa Indonesia resort island ng Bali, dahil sa nangyaring landslide dulot ng malakas na mga pag-ulan.
Ang malaking bahagi ng arkipelago ng 17,000 mga isla ay lantad sa mga pagbaha at landslides kapag tag-ulan, na nagsisimula bandang Nobyembre.
Nagkaroon ng landslide sa wooden villa ng Jatiluwih village sa sikat na tourist island nitong Huwebes ng umaga, makaraan ang malakas na mga pag-ulan sa lugar noong Miyerkoles ng gabi ayon sa local disaster mitigation agency official I na si Nyoman Srinadha Giri.
Ayon sa opisyal, dahil sa matinding pag-ulan ay nagkaroon ng erosion sa water canals na ginagamit para sa irigasyon sa ibabaw ng villa, na siya namang nag-trigger sa landslide na ikinasawi ng dalawa.
Aniya, “The victims were evacuated from the debris while in sleeping (positions). There were two victims, a man and a woman in one bed.”
Ang 47-anyos na babaeng biktima na ipinanganak sa Australia ay mayroong United States permanent residence permit, habang ang nasyonalidad at pagkakakilanlan sa lalaking biktima ay hindi pa batid.
Ang bangkay ng mga biktima ay inilipat sa isang ospital sa provincial capital Denpasar.
Ang landslides sa ilang lugar sa Indonesia ay pinalalala ng deforestation, kung saan nagdudulot ng mga pagbaha ang matagal at malalakas na mga pag-ulan.
Nito lamang nakalipas na linggo, ay hindi bababa sa 27 katao ang namatay dahil sa landslides at mga pagbaha bunsod ng malalakas na mga pag-ulan sa Sumatra island.