Dalawang impeachment complaint laban kay CJ Sereno, pwedeng sabay na isalang sa pagdinig sa Kamara

Posibleng magkasabay na isalang sa pagdinig ng House Committee on Justice ang dalawang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ito ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali bagaman hindi pa naire-refer ng plenaryo sa komite ang dalawang complaint laban sa punong mahistrado.

Ayon kay Umali, mahalaga ang punto ng referral sa Justice Committee ng complaint dahil ito ang kukumpleto ng proseso ng initiation.

Kapag magkasabay na nai-refer sa Justice Committee ang reklamo kay Sereno,  magkasabay itong diringgin sa committee level.

Kapag napatunayang sufficient in form and substance ang mga reklamo kay Sereno at matukoy na may probable cause ito,  consolidated report at article of impeachment ang bubuuin ng Justice Committee.

Ito ang iaakyat sa plenaryo para pagbotohan kung kailangang tuluyang i-impeach ng mababang kapulungan si Sereno at iakyat ang usapin sa Senado para sa impeachment trial.

Hahantong sa puntong ito ang proseso laban kay Sereno kung hindi magkaroon ng creeping impeachment.

Ulat ni: Madelyn  Villar  – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *