Dalawang money service biz, diniskuwalipika ng BSP dahil sa pag-o-operate nang walang rehistro
Hindi na puwedeng magpa-rehistro sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang dalawang money service businesses (MSBs) mula sa Cavite at
Davao del Norte.
Ang mga ito ay ang MER’S BUSINESS CENTER sa Panabo City, Davao del Norte at PAYB BILLS PAYMENT AND REMITTANCE CENTER/ INFINITY PAYB sa Bacoor City, Cavite.
Ayon sa BSP, diniskuwalipika ang dalawang entities mula sa pagpaparehistro o pagkuha ng lisensya dahil sa pag-o-operate bilang MSBs nang walang prior registration sa central bank.
Ito ay paglabag anila sa mga regulasyon ng BSP sa non-bank entities na nasa remittance at money changing and/or foreign exchange dealing.
Ang paghabol sa mga nasabing kumpanya ay alinsunod sa Manual of Regulations for Non-Bank Financial Institutions.
Moira Encina