Dalawang NBA superstar, maglalaro sa bago nilang koponan


Photo: TIM NWACHUKWU / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / GETTY IMAGES VIA AFP

Dalawang NBA superstar ang maglalaro na sa bago nilang koponan, makaraang makumpleto ang trade deal sa pagitan ng Brooklyn Nets at Phildelphia 76ers.

Nakuha ng 76ers ang 2018 MVP na si James Harden at four-time all-star na si Paul Millsap, kapalit ng 2018 Rookie of the Year na si Ben Simmons, at Seth Curry, at Andre Drummond, 2022 first-round pick (unprotected) at 2027 first-round pick (protected).

Naging kontrobersyal si Simmons makaraang ipahayag na ayaw na niyang maglaro para sa 76ers, kasunod ng pagkatalo sa Game 7 ng 2021 Eastern Conference Semifinals.

Hindi dumalo si Simmons sa training camp at humiling ng trade mula sa management.

Bago ang trade deadline, napabalita namang gusto ring lumipat ni Harden nguni’t hindi nito nagawang humiling sa pangambang mabatikos ng publiko.

Samantala, nakuha rin ng Dallas Mavericks mula sa Washington Wizards, ang 2018 all-star na si Kristaps Porzingis kasama ang isang future second-round pick kapalit nina Spencer Dinwiddie at Davis Bertans.

Ibinigay ng Wizards ang center na si Montrezl Harrell kapalit nina Vernon Carey at Ish Smith ng Charlotte Hornets na kasalukuyang nasa 9th spot sa 28-28 record.

Dahil kay Harrell, posibleng tumaas ang tyansa ng koponan na makapasok sa 2022 playoffs.

Please follow and like us: