Dalawang negosyante mula Bicol Region, ipinagharap ng BIR ng reklamong tax evasion sa DOJ
Dalawang negosyante mula sa Bicol ang sinampahan ng BIR ng reklamong tax evasion sa DOJ dahil sa hindi binayarang buwis na 41.79 million pesos.
Isa sa ipinagharap ng reklamo si Beethoven delos Santos na may-ari ngBDL Santos construction & supply sa Bitano, Legazpi City.
Kabuuang 13.09 million pesos na buwis ang bigong mabayaran ng negosyante noong 2009.
Kinasuhan din ng parehong paglabag ng BIR si Antonio Ocampo Jr., operator ng Antones Enterprises sa Sorsogon na nagbebenta ng iron ore.
Umaabot sa 28.7 million pesos ang buwis na hindi nabayaran noong 2010 ang hinahabol ngayon ng BIR kay Ocampo
Ayon sa BIR, naabisuhan na noon pa ang mga negosyante ng kanilang tax deficiency pero hindi tumugon ang mga ito kaya sinampahan na nila sila ng kaso sa DOJ.
Ulat ni: Moira Encina