Dalawang opisyal mula sa Xi’an, China tinanggal
Tinanggal ng mga lokal na awtoridad ang dalawang senior officials sa Xi’an City, upang palakasin ang kanilang laban kontra COVID-19.
Gumamit ang Beijing ng isang “zero Covid” approach na may tight border restrictions at targeted lockdowns, mula noong unang lumitaw ang virus, ngunit ang naturang approach ay nahaharap sa pagsubok dahil sa kamakailan ay local outbreaks nitong nakalipas na mga linggo.
Ang Xi’an ay nag-ulat ng 90 bagong local virus cases nitong Lunes, mas mababa mula sa 122 kaso noong Linggo. Simula December 9, higit 1,600 virus cases na ang napaulat sa siyudad.
Ayon kay provincial official Liu Guozhong . . . “We have entered a general state of attack. It was necessary to achieve the goal of clearing society of coronavirus cases as soon as possible.”
Noong Linggo ay inanunsiyo ng Xi’an na dalawang senior Communist Party officials mula sa Yanta district ang inalis sa kanilang puwesto, upang palakasin ang “epidemic prevention and control” sa lugar.
Noong isang buwan, inanunsiyo ng disciplinary body ng China, na dose-dosenang mga opisyal ang pinarusahan dahil sa hindi sapat na pagpigil at pagkontrol sa outbreak.
Bagama’t mababa ang napapaulat na coronavirus cases ng China kumpara sa iba pang mga lugar, ang mga bagong impeksiyon sa mga nakalipas na araw ay umabot sa mataas na bilang na hindi pa nangyari mula noong March 2020.