Dalawang piloto patay sa pagbagsak ng Soviet-era fighter jet sa India
Patay ang dalawang piloto matapos bumagsak sa India ang isang Soviet-era fighter habang nagsasagawa ng training.
Ayon sa defence ministry, ang MiG-21 ay bumagsak kagabi sa disyerto ng western Rajasthan state malapit sa siyudad ng Barmer.
Ang bumagsak ay ika-anim nang MiG-21 aircraft mula noong Enero ng nakalipas na taon, kung saan limang piloto na ang nasawi.
Sinabi ng Indian Air Force (IAF) na ang training aircraft ay naaksidente, at ipinag-utos na nila ang imbestigasyon para alamin ang sanhi ng pagbagsak.
Ayon sa air force . . . “IAF deeply regrets the loss of lives and stands firmly with the bereaved families.”
Ayon naman kay Defence Minister Rajnath Singh . . . “I was deeply anguished by the loss of the two pilots in the crash. Their service to the nation will never be forgotten.”
Unang ginamit ang MiG-21 jets sa Indian service noong 1960s at sa loob ng mga dekada ay nagsilbi bilang backbone ng air force ng bansa.
Gayunman ang jet ay binansagang “flying coffins” dahil sa pagkakasangkot sa ilan nang insidente ng pagbagsak sa nakalipas na ilang dekada dahil na rin sa “poor safety” record nito.
Bilyun-bilyong dolyar ang ipinupuhunan ng India para sa modernisasyon ng kaniyang air force, isang inisyatibang bunga ng ilang dekada nang hidwaan nito sa Pakistan at lumalalang tensiyon sa China.
Ang Indian military ay bumili ng dose-dosenang French Rafale fighter jets, na ang deliveries ay nagsimula noong 2020.
© Agence France-Presse