Dapat laging handa ang mamamayan at magkaroon ng reserve force ang bansa
Maaari pa umanong lumakas ang suporta sa isinusulong ngayon na panukalang mandatory ROTC sa mga kabataan.
Kasunod yan ng nangyayaring bakbakan sa pagitan ng grupong Hamas at Israel na ikinamatay na ng maraming sibilyan
Ayon kay senador Francis Tolentino ipinapakita ng nangyayaring bakbakan na dapat laging handa ang mamamayan at magkaroon ng reserve force ang bansa.
Nauna nang iniulat ng mga international news agencies na aabot sa 360 thousand ang lumabas na reservist o reserve military backbone ng Israel
Mandatory sa Israel ang military bago pumasok sa kolehiyo.
Sa ngayon nakapending sa second reading sa plenaryo ng Senado ang panukala na nag-oobliga sa mga kabataang pilipino na sumabak sa ROTC bago makapagtapos sa kolehiyo at TESDA.
Sakop nito ang mga babae at lalake bilang pagmamahal sa bayan lalo ngayong nahaharap sa problema ang Pilipinas dahil sa girian sa West Philippine Sea.
Meanne Corvera