Dapat nang tapusin ang pandemya sa 2022 ayon sa WHO chief
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na dapat magsama-sama ang buong mundo at gawin ang mga bagay na kailangang gawin gaano man ito kahirap, upang matapos na ang pandemya sa susunod na taon.
Aniya . . . “2022 must be the year we end the pandemic.”
Habang papalapit ang “end-of-year festivities,” sinabi ng pinuno ng ahensya ng kalusugan ng UN na dapat magpigil ang mga bansa sa pagsasagawa ng national events na may kaugnayan sa “holidays,” dahil ang pagpayag na magtipon-tipon ang madla ay magiging “perpektong daan” para kumalat ang Omicron.
Aniya, mas mainam pang kanselahin ang mga kaganapan ngayon at magdiwang pagkatapos, kaysa magdiwang ngayon at kalaunan ay magdalamhati.
Simula nang unang mapaulat sa South Africa noong Nobyembre, ang Omicron ay nadiskubre na sa dose-dosenang mga bansa, at ayon sa WHO ang “heavily mutated” variant ay lubhang mabilis ang pagkalat.
Ayon kay Tedros . . . “There is now consistent evidence that Omicron is spreading significantly faster than the Delta variant, and the strain appears to have the ability to double its infections every 1.5 to three days.That is really fast.”
Bukod sa mabilis nitong pagkalat, lumitaw din sa mga naunang datos ang senyales ng nakababahalang “resistance” nito sa mga bakuna.
Gayunpaman, mayroon ding mga indikasyon na ito ay nagdudulot ng hindi gaanong malubhang mga sintomas kaysa sa mga naunang strain, ngunit sinabi ni WHO chief scientist Soumya Swaminathan, na masyado pang maaga para sabihing ito ay isang mas banayad na variant.
She warned that South Africa and other places reporting lower hospitalisation rates from Omicron had been hit hard in earlier waves, so many of the Omicron cases may have been reinfections.
Nagbabala siya na ang South Africa at iba pang mga lugar na nag-uulat ng mas mababang rates ng pagpapa-ospital dahil sa Omicron, ay tinamaan nang husto sa mga naunang virus wave, kaya marami sa mga kaso ng Omicron ay maaaring “reinfections.”
Aniya . . . “The variant may be behaving differently in people with prior immunity.”
Binigyang diin ni Tedros na . . . “Regardless of the variant’s severity, the sheer number of cases… may overwhelm the health system and more people could die.”
Higit 5.3 milyong katao na ang namatay mula nang mag-umpisa ang pandemya, bagama’t ang tunay na bilang ay pinaniniwalaang higit na mas mataas.
Sa gitna na rin ng lumalawak na pangamba tungkol sa Omicron, maraming gobyerno ang nagkumahog na magsagawa ng mga vaccine booster rollout sa kanilang mga mamamayan, kung saan iminumungkahi ng mga datos na ang ikatlong dose ay nag-aalok ng dagdag na proteksiyon laban sa bagong variant.
Subali’t paulit-ulit na ipinarating ng WHO ang pag-aalala na ang naturang booster programs ay lalo pang makapagpalala sa malubha nang kawalan ng pagkakapantay-pantay sa vaccinne access sa pagitan ng mayayaman at mahihirap na mga bansa.
Marami pa ring mga tao sa buong mundo ang hanggang ngayon ay naghihintay pa ng kanilang unang dose, at ayon sa WHO mas dapat na unahin ang mga ito kaysa bigyan ng boosters ang mga fully vaccinated na.
Ayon kay Tedros . . . “If we are to end the pandemic in the coming year, we must end inequity.” (AFP)