DAR Secretary John Castriciones, bigong lumusot sa Commission on Appointments

Nabigong lumusot sa makapangyarihang Commission on Appointments si Agrarian Reform secretary John Castriciones.

Binaypass ng komite si Castriciones dahil hindi umano nakuntento ang ilang miyembro ng CA  lalo na sa kaniyang mga sagot sa qualifications at experience.

Iginiit nina Senador Risa Hontiveros at Davao Oriental Congressman Joel Almario na hindi sapat ang karanasan ni Castriciones para magsilbing kalihim ng DAR.

Dahil na bypass sa huling araw ng sesyon ng CA, kinakailangang ire-appoint ni Pangulong Duterte si Castriciones.

Si Castriciones ay ang ikalawang kalihim sa DAR na naitalaga sa ilalim ng Duterte administration.

Nauna nang itinalaga si dating Anakpawis Representative Rafael Mariano pero ni reject ito ng CA

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *