Dating DILG Sec. Mar Roxas, pinatatahimik ng Malakanyang matapos magbigay ng unsolicited advise kay Pangulong Duterte

Pinatatahimik ng Malakanyang si dating Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Mar Roxas  kaugnay ng naging suhestiyon nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon muna ng political ceasefire na pinadaan nito sa kanyang Facebook post.

Batay sa payo ni Roxas para kay Pangulong Duterte, dapat time-out muna sa pulitika at ang dapat gawin ay pagtuunan muna ng pansin ang mas mabigat na isyu gaya ng usapin inflation at presyo ng bigas.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque mas maiging manahimik na lang ang dating DILG Secretary.

Ayon kay Roque kung susukatin ang naging karanasan ng dating Kalihim  nuon sa Leyte partikular nuong  matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda noong 2013 makabubuting  manahimik na lang ang dating DILG Chief kaysa magbigay ng suhestiyon sa Administrasyon.

Matapos ang matagal na pananahimik kasunod  ng pagkatalo sa 2016 Presidential election muling nagparamdam si Roxas sa pamamagitan ng FB post na nagbibigay ng suhestiyon na dapat gawin ng pamahalaan tungkol sa isyu ng bigas, TRAIN law at conditional cash transfer.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *