Dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, negatibo sa Covid-19
Negatibo sa Covid-19 si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Si Sanchez ay una nang dinala sa New Bilibid Prisons Hospital dahil sa pagsusuka, diarrhea at hirap sa paghinga at isinailalim sa swab test.
Sinabi ni Justice Undersecretary at Spokesperson Markk Perete na batay sa Bureau of Corrections, nag -negatibo sa virus si Sanchez.
Ayon din sa Bucor, bumuti na ang kondisyon ni Sanchez at hindi na ililipat sa PGH.
Patuloy naman itong mananatili sa Bilibid Hospital.
Si Sanchez ay hinatulang guilty ng korte noong 1995 sa kasong rape at murder kina UP Los Baños students Mary Eileen Sarmenta at Allan Gomez.
Justice USEC Markk Perete:
“Yes, per BuCor, he tested negative. BuCor likewise said his condition has improved and he will no longer be transferred to the PGH. Per BuCor, he currently remains at the NBP hospital”.
Moira Encina