Dating Defense secretary Voltaire Gazmin, posibleng maharap sa kasong Usurpation of Authority dahil sa amnesty ni Senador Trillanes – Malakanyang

Naninindigan ang Malakanyang na talagang Void Abinitio o walang bisa sa umpisa pa lamang ang amnesty na ibinigay kay Senador Antonio Trillanes ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ang nakapirma sa Certificate of Amnesty ni Trillanes ay si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin at hindi si dating Pangulong Aquino.

Ayon kay Roque dahil sa ginawa ni Gazmin, maaari itong maharap sa kasong Usurpation of Authority.

Inihayag ni Roque ang kasong Usurpation of Authority ay isang criminal offense na may parusang pagkakakulong.

Iginiit ni Roque tanging ang presidente lamang ang binibigyan ng Saligang Batas ng karapatan na magbibigay ng amnestiya at hindi ito maaaring ipasa sa ibang opisyal ng pamahalaan.

Magugunitang pinawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya ni Trillanes dahil kulang ito ng requirements tulad ng formal application at affidavit of admissions of guilt.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *