Dating football star na si Thierry Henry, magiging coach ng France sa 2024 Olympics
Si Thierry Henry na ang magiging coach ng France Under-21, ang koponan na sasabak sa Olympics sa Paris sa 2024.
Pinalitan ng 46-anyos na dating striker ng Arsenal at France si Sylvain Ripoll, at bumalik sa management pagkatapos umalis bilang assistant ng Belgium sa World Cup noong nakaraang taon.
Si Henry, na nanalo sa 1998 World Cup at Euro 2000 kasama ang France, ay nahirapang maabot ang mga nagiging tagumpay niya bilang manlalaro sa pagiging coach.
Halos hindi siya tumagal ng tatlong buwan bilang coach ng Monaco sa 2018-19 season at bumaba sa MLS club Montreal Impact noong Pebrero ng 2021 makaraan ng mahigit lang isang taon.
Dati rin siyang nag-coach sa youth teams ng Arsenal at dalawang ulit na nagsilbing Belgium coaching staff, na tumulong sa bansa na matapos sa ikatlong puwesto sa 2018 World Cup.
Si Henry, na naka-iskor ng 51 goals sa 123 games para sa France, ay naging isa ring TV consultant nitong nakalipas na mga panahon.
Ang unang laban ni Henry bilang France Under-21 coach ay isang friendly game laban sa Denmark sa Setyembre 7, apat na araw bago ang pagbubukas ng Euro 2025 qualifier ng kanyang koponan sa Slovenia.