Dating health official ng DR Congo, hinuli dahil sa katiwalian

KINSHASA, DR Congo (AFP) – Idinitini ang dating health minister ng DR Congo na si Eteni Longondo, dahil sa alegasyon ng hindi tamang paggasta sa pondong laan para sa paglaban sa COVID-19.

Ayon sa isang government source . . . “Longondo was placed under a provisional arrest warrant Friday evening.”

Ang dating health minister na nanungkulan hanggang noong Abril, ay dinala sa Makala prison sa Kinshasa, kapitolyo ng DR Congo.

Ayon sa Congolese Association for Access to Justice (ACAJ), si Longondo na namahala sa health ministry mula September 2019, ay inakusahan ng paglustay sa public funds na nakalaan para sa paglaban sa pandemya.

Itinanggi naman ito ni Longondo sa pagsasabing ang kinukwestyong pondo na pinaniniwalaang higit sa pitong milyong dolyar, ay nasa proseso ng beripikasyon sa panahon ng pagsisiyasat.

Noong Nobyembre, ay nagsauli siya ng $721,900 na aniya’y overpayment mula sa central bank.

Nangako naman si President Felix Tshisekedi na ang paglaban sa korapsiyon ang magiging tatak ng kaniyang panunungkulan bilang pangulo.

Ang dating presidential chief of staff na si Vital Kamerhe, ay nasentensiyahan noong Hunyo ng 13 taong pagkakabilanggo dahil sa paglustay sa halos $50 milyong pondo ng bayan.

Ang DR Congo ay nasa ika-170 mula sa talaan ng 180 mga bansa sa 2020 Corruption Perceptions Index ng Anti-graft NGO Transparency International.

Agence France-Presse

Please follow and like us: