Dating NBA star na si Jeremy Lin ban ng limang games sa Taiwan kaugnay ng WADA breach
Sinabi ng P. League+ ng Taiwan na pinatawan ng five games ban ang dating NBA champion na si Jeremy Lin, para sa paglabag sa anti-doping rules sa blood treatment para sa isang injury.
Ang 35-anyos na guard na nanalo ng NBA crown kasama ng Toronto Raptors noong 2019, ay pinagmulta rin ng NT$150,000 ($5,000).
Si Lin ay sumikat sa buong mundo kasama ng New York Knicks noong 2012, nang pangunahan niya ang koponan sa isang seven-game win streak, na nagpasiklab sa isang cultural phenomenon na tinawag na “Linsanity.”
Isinilang sa Estados Unidos sa kaniyang Taiwanese immigrant parents, si Lin ay naglalaro na ngayon para sa New Taipei Kings, makaraang mag-debut sa P. League+ ng Taiwan noong isang taon.
Sa isang pahayag ay sinabi ng liga na para sa treatment ng isang injury, si Lin ay sumailalim sa isang uri ng blood irradiation therapy na labag sa World Anti-Doping Agency (WADA) rules.
Ayon sa liga, “Our investigation confirmed that the relevant treatment was arranged by the team and no banned substances were used. But the treatment did not comply with WADA rules.”
Humingi naman ng paumanhin ang koponan sa pagsasabing, “the treatment was not intended to ‘enhance performance’ and only meant to assist in the recovery of his injury.”
Sinabi rin ng New Taipei Kings na hindi sila aware na ang treatment ay hindi pinapayagan sa ilalim ng WADA rules.
Ayon sa Ministry of Health and Welfare, legal naman ito.
Sinimulan ni Lin na isang Harvard graduate ang kaniyang NBA career noong 2010 kasama ng Golden State Warriors.
Naglaro rin siya sa ilan pang NBA teams gaya ng Knicks, Raptors, Houston Rockets, LA Lakers at Charlotte Hornets.