Dating Ombudsman Conchita Carpio Morales dismayado matapos itong hindi payagan na makapasok sa Hongkong
Itinuturing ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales ang ginawa sa kanya ng mga Hongkong Authorities Immigration Special Administrative Region ng China, na bullying matapos itong dumating at harangin, sa Hongkong Airport para sana sa bakasyon kasama ang kanyang pamilya.
Hinarang si Morales ng mga immigration officers sa airport at doon na sya dinala sa isang kwarto na hiwalay sa kanyang pamilya.
Ayon kay Morales sinabihan sya ng immigration officers na dapat na itong bumalik ng Pilipinas pero hindi naman ito ipinaliwanag sa kanya kung bakit sya pinababalik ng Pilipinas.
I was interrogated and then pagkatapos dinala ako sa detention room nila,”meron silang pinapapirmahan na tagalog … ang sabi ko i want an english version. i read it, nakalagay detention na.”
Ayon kay Atty. Anna Marie Coriminas abogado ni Morales, sinabi ng Hongkong Authorities na security threat si Morales, itinanggi naman ni Morales ito na sinabi ito sa kanya ng mga Hongkong immigration officers.
Posible aniyang nag ugat ang insidente noong Marso, na kung saan ay naghain sila ng relamo laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) kasama si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario dahil sa umano’y “crime against humanity” kaugnay ng agawan ng teritoryo sa West Philippine sea.
“That was bullying. how would you call it if that’s not bullying? i think someone came up with the theory na ‘shock and awe’ daw. hindi naman ako nasa-shock, di naman ako na-o-awe. nabi-bwisit lang i wasn’t shocked, i wasn’t awed, i was just annoyed”
Sinalubong naman si Morales ng dating DFA Secretary Albert del Rosario na niniwala rin sa nasabing dahilan kaya hinarang si Morales sa Hongkong airport.
Makalipas naman ang halos tatlong oras ay pinayagan naman ng makapasok si Morales maging ang kanyang pamilya na makapasok sa Hongkong, pero agad naman na itong nagdesisyon na umuwi nalamang sa bansa kasama ang pamilya nito.
Sa kabila ng nangyari ay hindi pa rin papatinag anila si Morales sa halip ay mas lalo pa nitong ipagtutulakan ang kanilang reklamo sa ICC laban sa bansang China.
“ I was deprived of the opportunity to see my grandchildren enjoy their vacation in Hong kong,” … “that gives us more resolve to pursue the case. that brings the level of the case to crescendo. we will fight for the examination by the office of the prosecutor of the communication that the ambassador and i filed,”
Ulat ni Earlo Bringas