Dating Pangulong Aquino, pinakakasuhan ng Ombudsman dahil sa Mamasapano massacre
Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman si dating Pangulong Benigno Aquino II para sa usurpation of authority at graft sa nangyaring Mamasapano massacre noong 2015 na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force.
Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Aquino dahil sa kaniyang liability sa Mamasapano massacre.
Kasama sa co-conspirators ay sina dating Philippine National Police Director General Alan Purisima at Director Getulio Napeñas ng Special Action Force.
Lumalabas sa imbestigasyon na alam ni Aquino na suspendido si Purisima.
Gayunman pinayagan pa rin niya itong lumahok sa anti-terror raid na tinawag na Oplan exodus sa Mamasapano, Maguindanao.
Wala pa namang reaksyon ang dating Pangulo ukol dito.