Dating Pangulong Noynoy Aquino at mga dating gabinete nito, sasampahan ng reklamong malversation of public funds sa DOJ dahil sa anti dengue vaccination program
Nakatakdang ipagharap ng reklamong kriminal sa Department of Justice o DOJ sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dalawa nitong dating gabinete dahil sa implementasyon ng anti dengue mass immunization program.
Kasong paglabag sa Republic Act 9184 o malversation of public funds ang isasampa ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC at Vanguard of Philippine Constitution laban kina aquino, dating Budget Secretary Florencio Abad at dating Health Secretary Janette Garin.
Kakasuhan din ng VACC at vanguard ng kaparehong reklamo ang mga opisyal ng Zuellig pharma at Sanofi Pasteur.
Ayon sa joint complaint, kwestyonable ang pagbili sa 3.5 billion pesos na halaga ng dengvaxia vaccines at premature ang isinagawang maramihang pagbabakuna nito sa mga bata.
Ulat ni Moira Encina