Dating pangulong Rodrigo Duterte walang kinalaman sa operasyon ng ilegal na POGO

Walang kinalaman si dating pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng mga ilegal na POGO, at wala itong koneksiyon kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ang iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go matapos i-ugnay sa POGO operations si Michael Yang na dating Presidential Adviser on Economic Affairs sa panahon ng Duterte administration.

CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 90

Una nang nadiskubre ng Anti-Money Laundering Council na nagkaroon ng direct transactions ang kapatid ni Michael Yang na si Hong Jiang Yang sa kompanyang Baofu, kung saan naging presidente si Guo.

Ayon kay Go, kailangang linawin ang mga tsismis hinggil sa pag-uugnay kay Duterte sa POGO.

Sabi ng Senador, mula nang maging mayor ang dating pangulo hanggang sa maging presidente ng bansa, hindi ito pumayag sa mga ilegal.

Kahit aniya kaibigan ng dating pangulo si Michael Yang ay may babala ang dating pangulo na ibabaon kapag nagnegosyo ng iligal sa Pilipinas.

Iginiit ng Senador na dapat magsabi ng katotohanan si Mayor Guo dahil maraming inosente ang nadadawit.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *