Dating Sen. Jinggoy Estrada, payag na magtrabaho muli sa gobyerno
Pabor si dating Senador Jinggoy Estrada na makapagtrabaho muli sa gobyerno.
Kasunod ito ng pansamantalang paglaya ng dating Senador matapos na makapag-piyansa ng 1.3-million pesos.
Ayon kay Estrada, masaya niyang tatanggapin ang anumang pwesto sa gobyerno sakaling alukin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngunit sa ngayon aniya prayoridad muna nito na makasama ang kanyang pamilya na nawalay sa kanya ng mahabang panahon bago ito sumabak muli sa iba pang gawain.
Samantala, ngayong araw ay agad na isasalang sa pagdinig si Estrada para sa kinahaharap nitong plunder case.
Halos tatlong taong nakulong sa PNP Custodial Center ni Estrada kaugnay ng kontrobersyal na PDAF scam.