Dating Senador Bongbong Marcos wala paring kumpirmasyon kung dadalo sa Comelec Presidential debate
9 sa 10 kandidato sa pagkapangulo ang kumpirmadong dadalo sa kauna unahang Presidential debate ng Commission on Elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ito sina Ernie Abella, Leody de Guzman, Mayor Isko Moreno, Senador Ping Lacson, Norberto Gonzales, Faisal Mangondato, Jose Montemayor Jr, Sen. Manny Pacquiao at Vice President Leni Robredo.
Habang wala namang kumpirmasyon at hindi pa nagbigay ng commitment si Dating Senador BongBong Marcos.
Para naman sa Vice Presidential debate, 7 sa 9 na kandidato ang kumpirmadong dadalo.
Ito sina Walden Bello, Rizalito David, Manny Lopez, Doc Willie Ong, Senador Kiko Pangilinan, Carlos Serapio at Senate president Vicente Tito Sotto.
Si House Deputy Speaker Lito Atienza naman hindi makakadalo for medical reasons habang si Davao City Mayor Sara Duterte, wala pang kumpirmasyon kung dadalo ito sa debate.
Ang Comelec Presidential debate ay gagawin sa March 19 habang ang Vice Presidential debate naman ay sa March 20.
Maliban rito, magkakaroon rin ng ikalawang Presidential debate ang Comelec sa April 3 at Presidential at Vice Presidential Town Hall debate sa April 23 at 24.
Ayon sa Comelec ang hindi dadalo sa kanilang debate, hindi na papayagang maka-ere sa kanilang e rallies hanggang sa bago ang halalan.
Madz Moratillo