Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio, sumipot sa Senate Probe kaugnay sa BOC anomaly

Sumipot sa pagdinig ng Senado sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio.

Pasado alas-9:00 pa lang nang dumating ang dalawa na bantay sarado ng mga tauhan ng Senate security.

Nakasuot ng puting polo si Duterte at jacket na blue, habang sky blue naman ang damit ni Carpio.

Si Carpio ay ang mister ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte

Dumadalo ang dalawa sa Senate probe  matapos imbihan ng mga Senador na nag-iimbestiga sa Bureau of Customs anomalies at P6.4 billion shabu shipment.

Bago magsimula ang pagdinig, kasamang pinatayo ang dalawa para manumpa.

Magkatabi rin sa upuan ang Presidential son at manugang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay Senador Antonio Trillanes, dawit sina Duterte at Carpio sa mga iligal na transaksyon sa BOC, bagay na pinabubulaanan naman ng kampo ng mga ito.

Samantala, full support ang mga konsehal sa Lungsod ng Davao para kina Vice Mayor Duterte at Atty. Carpio.

Ipinatawag ng Senate Blue Ribbon Committee ang Bise Alkalde at si Atty. Carpio matapos idawit ng Customs broker/fixer na si Mark Taguba at sinasabing miyembro ang mga ito ng tinatawag na Davao Group.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *