Davao del Sur, nadismaya sa pagkaka-aresto kay dating Pangulong Duterte

0
PROTEST

Lumabas sa kani-kanilang tahanan ang mga residente sa iba’t ibang bahagi ng Davao del Sur matapos arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Agad na nagkaisa ang mga residente sa Digos City at nagpunta sa harap ng isang mall, upang ipakita ang suporta sa dating lider.

Bagama’t may ordinansa na bawal magmotorsiklo ang ma residente nang walang suot na helmet, ay hindi napigilan ng mga pulis ang mga ito at hindi na nagawang manita dahil sa dami ng mga tagasuporta ng dating pangulo.

Sa bayan ng Bansalan, ay nag-motorcade naman at nagtuipon-tipon sa National Highway ang mga residente.

Maging ang mga residente sa ibang bayan gaya ng Sta. Cruz, Malalag, Padada at iba pa ay lumabas din ng kalsada.

Nanawagan naman si Digos City Mayor Josef Cagas na magka isa at magkakaroon ng Motorcade bago ang formal rally na gagawin sa harap ng Digos City hall.

Inaasahan na marami pang kilos protesta na magaganap sa Davao del Sur kasunod ng nangyari kay Duterte.

Roonie Jhun Otero

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *