Davao oriental, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol
Niyanig ng Magnitude 6.2 na lindol ang Davao oriental ngayong araw.
Batay sa monitoring ng Phivolcs, naganap ang paglindol kaninang 9:23 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito sa layong 57 kilometers timog-silangan ng Manay.
Habang may lalim na 18 kilometers ang naturang pagyanig.
Dahil sa lakas ng lindol naitala ang :
Intensity IV – Manay, Tarragona, and Lupon, Davao Oriental; Hinatuan, Surigao Del Sur; Mati City; Bislig City;
Intensity III- Don Marcelino, Davao Occidental; Cateel and Baganga, Davao Oriental; Tandag City, Surigao Del Sur; Davao City
Intensity II – Bansalan, Davao Del Sur
Intensity I- Matalam, Cotabato
Instrumental Intensities:
Intensity II – Bislig City; Davao City
Intensity I – Kidapawan City; General Santos City
Babala ng Phivolcs inaasahan na patuloy na makakaranas ng mga aftershocks matapos ang naturang pagyanig.