Dayalogo ng Valenzuela at NLEX officials sa isyu ng RFID, nagpapatuloy
Nagsimula na ang dayalogo sa pagitan ng Valenzuela local government officials at mga opisyal ng North Luzon Expressway (NLEX).
Kaugnay ito ng ginawang pagsuspinde ng Valenzuela sa Business permit ng anim na Toll Plaza ng NLEX na sakop ng lunsod dahil sa palpak na RFID na nagdulot ng perwisyo sa publiko dahil sa matinding trapiko.
Kasama sa mga humaharap sa dayaologo si NLEX President at General Manager Luigi Bautista.
Isa-isang inilatag ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa mga NLEX officials ang mga dahilan kung bakita nagdulot ng perwisyo ang RFID sa mga motorista.
Kabilang rito ang mga palpak na sendor ng NLEX a hindi agad nababasa ang mga RFID stickers kaya urong-sulong ang mga sasakyan.
Isa rin sa kinuwestyon ng alkalde ang mga load na nabawas sa mga motorista sa pagdaan sa pitong Toll Plaza ng Valenzuela samantalang nakataas ang kanilang barrier at bawal silang mangolekta ng toll.
Nakatanggap aniya sila ng reklamo mula sa mga taga-Valenzuela na nabawasan ang kanilang load kahit nakaparada lang ang sasakyan sa bahay.
Depensa naman ng NLEX, may ginagawa na silang hakbang para maresolba ang isyu.
Meanne Corvera