DBM nagkaloob ng ₱662.5 million na pondo sa DSWD para makatulong sa evacuees ng Marawi

 download
courtesy of wikipedia.org

Nakaipon ng ₱662.5 million ang Department of Budget and Management para ibigay sa Department of Social Welfare and Development upang gamitin sa mga relief operation sa Marawi City.

Ayon sa cabinet official nanggaling ang pera mula sa Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, isang departamento ng DSWD.

Paliwanag naman ng DSWD, nagastos na nila ang ₱294 million mula sa nasabing pondo para gamitin na pambili ng pagkain, kagamitan, at iba pang bagay na makakatulong sa mga evacuee.

Magbibigay din ang DSWD ng Ramadan pack para sa Eid’l Fitr at ₱4,000 para sa bawat pamilya sa Marawi City.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *