DBM officials, nagisa sa pagdinig sa anomalya sa Laptop procurement
Inaalam ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga basehan sa ginawang bidding at pag- aaward ng kontrata para sa 2.4 Billion pesos na biniling laptop .
Nagisa sa pagdinig si OIC Director Sharon Baile ng PS-DBM ang sinasabing lumagda sa kontrata sa pagbili ng laptop.
Kinuwestyon si Baile kung paano pinili sa listahan ang kumpanyang nabigyan ng kontrata.
Inamin nito na walang nagmomonitor sa kanilang listahan at kahit sinong supplier maaaring mapasama at ito na raw ang naging practice mula pa noong 2006.
giit niya bukod sa may kakulangan sa suplay ng chips, nagmahal ang laptop dahil sa requirements ng DEPED na tatlong taon na maintenance support.
Inamin niya na hindi naka unbundled ang presyo ng laptop mula sa unit, parts at delivery charges sa mga rehiyon.
Meanne Corvera