DBM, Pinagpapaliwanag ng mga Senador sa hindi nailabas na pondo ng DOT sa ilalim ng Bayanihan 2 Law
Pinagpapaliwanag na ng mga Senador ang Department of Budget and Management bakit hindi pa nailalabas ang pondo para sa allotment ng Department of Tourism sa ilalim ng Bayanihan law 2 gayong ito ang pinakamatinding tinamaan ng Covid-19 pandemic.
Sa budget hearing sa senado, lumitaw na hanggang ngayon ni singko ay walang nai re- release para sa dot gayong ,ayon kay senator Franklin Drilon hanggang December 31 na lang ang effectivity ng batas.
August 24 ngayong taon nang ipasa ng kongreso ang bayanihan law kung saan naging batas pagkatapos na lagdaan ng pangulo.
Umaabot sa P10 billion ang inilaang pondo sa dot kung saan P 6 billion dito ay gagamitin bilang tulong pinansyal sa mga micro small and medium Enterprises na sakop ng dot, tatlong bilyon sa mga manggagawang nawalan ng trabaho, isang bilyon sa tourism infrastructure at 100 million pesos ay tulong pinansyal sa mga tour guide.
Ayon kay tourism secretary berna romulo Puyat, maraming programa ang hindi natuloy mula noong March hanggang May pero na-aadapt daw sila sa new normal sa pamamagitan ng ibang programa gaya ng Ridge and reef travel corridor para sa region 1, Visita app, at ang PHITEX 2020.
Pinagmalaki rin nila na Pilipinas lang ang may repatriation flights for stranded foreign tourists. 43,754 tourists assisted with sweeper flights, vouchers, travel kits and rescue missions. 105.72m allocated for covid-19 pandemic.
Ginagawan daw ng DOT ng paraang magkaroon ng tourism kahit may pandemic at may ongping training ng tourism stakeholders habang hindi pa nagbubukas ang maraming tourist destinations.
Sa ngayon, mas umaasa sa domestic travel ang tourism ng pilipinas.
Sa kanila raw ginawa ng survey, nasa 77 percent pa rin ang ang willing pa rin magtravel kahit walang bakuna laban sa kontra-covid pero ang problema mahal ang PCR test na required sa ilang tourist destinations.
Meanne Corvera