Deadline ng aplikasyon para sa mga Pinoy nurses at caregivers sa Japan, pinalawig hanggang Hunyo 15
Maaari pang maghain ng kanilang aplikasyon online ang mga Pilipino na interesado na mag-apply bilang nurses at caregivers sa Japan.
Sa abiso ng Embahada ng Japan, pinalawig ang deadline ng aplikasyon para sa 15th batch ng Economic Partnership Agreement Nurse and Certified Care Worker Candidates sa Hunyo 15.
Ayon sa Japan Embassy, sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA), ang mga Pinoy nurses at care workers ay maaaring magkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho sa Japan sa pamamagitan ng government-to-government hiring system.
Ang mga kuwalipikadong aplikante ay dapat na magrehistro online sa website ng POEA.
Ang mga hired applicants naman ay bibigyan ng serye ng libreng preparatory Japanese Language Trainings na may daily allowances.
Kinakailangan na sumailalim ang mga kandidato sa isang taon o 12 buwan na intensive Japanese Language Training bago makapagtrabaho sa Japan.
Moira Encina