Deadline sa pag-upgrade ng ATM cards, ipinamamadali na ni Rep. Evardone
Pinamamadali ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng kongreso ang deadline sa pag-upgrade ng Automated Teller Machines cards upang maiwasan ang skimming at iba pang uri ng pandaraya.
Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone dapat nang agahan ang deadline ng nasabing pag-upgrade at gawin itong December 31, 2017 mula sa dating June 30, 2018.
Ito ang giit ni Evardone sa kanyang liham para kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor Espenilla Jr. upang ma-upgrade at magkaroon na ng Europay Mastercard Visa chip-embedded cards.
Binigyang diin pa ni Evardone sa EMV chip, maiiwasan ang skimming.
Ang ATM skimming ay ang panakaw ng impormasyon mula sa ATM cards habang ito ay ginagamit sa pag-withdraw o iba pang transaksyon sa ATM.
High-tech ang ginagamit na device ng skimmers para makuha ang PIN o Personal Identification Number at iba pang impormasyon na nasa card.