Deal sa pagitan ng 76ers at ni Harden iniimbestigahan ng NBA
Iniimbestigahan ng National Basketball Association (NBA), kung ang Philadelphia 76ers’ free agency deals kina James Harden, P.J. Tucker at Danuel House ay may nilabag na mga tuntunin ng liga.
Ang Philadelphia ay may lugar pa para sa salary cap upang ipasok si Tucker at House matapos tanggihan ni Harden ang kaniyang $47.4 million player option para sa 2022-23 season, na kalaunan ay kaniya rin namang nilagdaan kasama ng team sa pamamagitan ng isang paycut na humigit-kumulang $14 million para sa paparating na season.
Napaulat na ang bagong dalawang taong kasunduan ni Harden ay kinapapalooban din ng isang player option na nagkakahalaga ng $35.6 million para sa 2023-24.
Ayon sa ulat ng ESPN . . . “there have been questions about whether there’s already a handshake agreement in place on a future contract for Harden, which would violate rules laid down in the collective bargaining agreement.”
Banggit ang isang hindi pinangalanang source, sinabi ng Philadelphia Inquirer na nakiki-cooperate naman ang 76ers sa imbestigasyon.
Ang 10-time All-Star na si Harden, ay opisyal na lumagda sa isang bagong kasunduan noong Miyerkoles. Sumama siya sa Philadelphia noong Pebrero sa isang maituturing na “blockbuster trade” sa Brooklyn Nets.
Ayon kay Harden . . . “This is where I want to be. This is where I want to win and I think we have the pieces to accomplish that goal.”
Nagpatupad ang NBA ng mas mahihigpit na parusa para sa tampering — ilegal na pakikipag-ugnayan o pakikipag-negosasyon sa free agents o future free ahents noong 2019. Maaaring pagmultahin o tanggalan ng draft pick ang mga koponan dahil sa paglabag sa mga nabanggit na panuntunan.
© Agence France-Presse