Death penalty posibleng lumusot sa Senado kung lilimitahan sa high level drug trafficking

 

Malaki ang tiyansang lumusot ang death penalty sa Senado.

Pero ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, yan ay kung high level drug trafficking lang ang tatargetin at kung lethal injection ang gagawing pamamaraan para ma-implement ang batas

Sa tantiya ni Sotto, base sa kanyang pakikpag-usap sa mga kapwa Senador, sa ngayon ay sampu ang pumapabor sa muling pagbabalik ng parusang kamatayan at sampu rin ang kontra.

Sumasayaw-sayaw pa aniya ang apat o undecided pa kung papaboran o hindi ang death penalty bill.

Aminado naman si Sotto na hindi prayoridad ngayon ng Senado ang panukalang batas na bubuhay sa parusang kamatayan

Dahil dito, hindi masabi ni Sotto na maipapasa nila ang death penalty hanggang sa  Hunyo o bago ang First Regular Session 17th Congress.

Mahaba-haba pa aniyang debate ang pagdadaanan ng death penalty sa Senado bago ito desisyunan o pagbotohan ng mga Senador.

“Tingin ko hating hati pa rin. tingin ko 10-10, apat yung sumasayaw. there’s a very good chance na baka hindi lang apat baka mga lima pa to favor kung high level drug trafficking at lethal injection. kasi pag high level drug trafficking lang, marami sa mga issues na ginagamit nila pangcounter ng death penalty ay wala. never anti-poor ang death penalty for high level drug trafficking dahil walang drug lord na mahirap. ngayon sasabihin mo quantity, hindi pwede. ang driver isang toneladang marijuana o isang toneladang shabu yung dinidrive niya, hindi naman kanya. driver siya eh. possession pero hindi high level drug trafficking yun. hindi pwede i-death penalty yung tao. that’s the point. makikita niyo naman sa mga debate namin yan eh”. – Sen. Sotto

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *