Death toll sa Ecuador landslide umakyat sa 14
Umakyat na sa 14 ang namatay sanhi ng major landslide sa Timugang Ecuador.
Sinabi ng mga owtoridad na nag-aapura ang mga emergency crew para humanap ng survivors sa harap ng dose-dosenang taong nawawala dahil sa kalamidad.
Bagama’t kuma-kaunti na ang tsansang may makita pang buhay, sinisikap ng mga rescuer na mahanap ang 67 nawawala mula sa guho ng mga putik at lupang tumabon sa bahagi ng Alausi, nasa katimugang bahagi ng Quito.
Naganap ang landslide matapos ang matinding pag-ulan na sumira sa may 163 kabahayan.
Binuksan ng gobyerno ang tatlong shelters para sa mga na-apektuhan ng landslide at iniutos ang paglilikas sa mga residente ng 600 iba pang kabahayan na malapit sa apektadong lugar.
Agence France Presse