Death toll sa pananalasa ng tornadoes sa Amerika, pumalo na sa higit 80
Pinangangambahang umakyat pa sa higit 100 ang death toll kasunod ng pananalasa ng nasa 30 buhawi sa anim na estado sa Amerika.
Kabilang sa mga dinaanan ng tornadoes ay ang Arkansas, Mississippi, Illinois, Kentucky, Tennessee at Missouri.
Isa sa mga nawasak ng buhawi ang candle factory sa Kentucky kung saan nasa higit 100 katao ang nasa loob nito nang mangyari ang pananalasa.
Nagdeklara na ng State of Emergency si Kentucky Governor Andy Beshear sa kanilang lugar.
Maliban sa candle factory, tinamaan din ng buhawi ang nursing home sa Arkansas at isang warehouse sa Illinois.
Nadamay din ang fire station sa Trumann, Tennessee.
Ito na ang pinakamatinding tornado na tumama sa Amerika sa halos 90 taong nakalipas.
Pinakamatagal at matinding tornado na naitala sa US ay ang 219-mile storm sa Missouri noong 1925 na kumitil sa buhay ng halos 700 katao.
Samantala, sa ulat ng PowerOutage.US nasa higit 330,000 residente mula sa apat na estado ang nawalan ng kuryente.
Sa tornado warning na ipinalabas noong Biyernes ng National Weather Service, tinatayang nasa 25 milyong katao ang maaaring maapektuhan ng massive thunderstorm system.