Death toll sa Surigao del Norte sanhi ng bagyong Odette, umakyat sa 3
Mula sa dalawa kahapon ay naradagan pa ng isa ang bilang ng mga namatay sa Surigao del Norte kasunod ng pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon Surigao del Norte Representative Francisco Jose Matugas II sa ngayon ay 3 na ang death toll sa lalawigan.
Samantala, ina-assess pa nila ang bilang ng mga nawawala at nasugatan sanhi ng bagyo.
Karamihan aniya sa mga nasugatan ay tinamaan ng mga nagbagsakang debris.
Kasabay nito, nanawagan si Matugas ng karagdagang ayuda at suplay para sa kaniyang mga kababayan.
Pagkain ang pinaka-kailangan aniya nila ngayon dahil naubos na ang kanilang food supply at wala nang source ang kanilang mga mangingisda at magsasaka.
Maaari aniyang idaan by air ang relief supplies.
Pinangangambahan din aniya na maaaring umabot pa ng ilang linggo bago maibalik ang linya ng komunikasyon at suplay ng kuryente kasama na ang fuel supply.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa clearing ng mga kalsadang naharangan ng mga nagbagsakang puno.