Debut Barcelona contract napkin ni Lionel Messi ipagbibili
Kinumpirma ng Bonhams International Auction House, na ipagbibili nila ang napkin kung saan impormal na nakasulat ang unang deal ni Lionel Messi sa Barcelona.
Sinabi ni Ian Ehling, head ng Fine Books and Manuscripts sa Bonhams New York, “This is one of the most thrilling items I have ever handled. Yes, it’s a paper napkin, but it’s the famous napkin that was at the inception of Lionel Messi’s career.”
Aniya, “It changed the life of Messi, the future of FC Barcelona, and was instrumental in giving some of the most glorious moments of football to billions of fans around the globe.”
Ayon pa sa Bonhams, ang auction sa London para sa nabanggit na napkin ay gaganapin sa pagitan ng Marso 18 at 27 sa ngalan ng Argentine agent nito, ang Horacio Gaggioli, na ang starting price ay 300,000 British pounds (US$381,000).
Si Messi ay nanalo na ng walong Ballon d’Or awards, ang pinakaaasam na personal na tropeo para sa mga footballer.
Mohammed Saad / Anadolu / Mohammed Saad / ANADOLU / Anadolu via AFP
Ang Argentine superstar ay bumasag na rin ng maraming records, kabilang ang all-time top scorer ng Barcelona. Noong 2012, nakamit niya ang isang makasaysayang tagumpay sa pamamagitan ng pag-iskor ng 91 goal sa lahat ng mga kumpetisyon, na lumampas sa nakaraang rekord na hawak ni Gerd Muller.
Marami na ring titulong napanalunan ang 36-anyos na si Messi sa Barcelona, kabilang ang 10 Spanish La Liga titles at apat na UEFA Champions League titles.
Nagwagi siya ng 44 na tropeo, na kinabibilangan ng 2021 Copa America at 2022 World Cup kasama ang koponan ng Argentina.
Noong 2022, siya ang naging captain ng Argentina nang magwagi ito ng World Cup sa 2022 final laban sa France sa isang penalty shootout makaraan ang isang 3-3 draw sa Lusail Stadium sa Doha, Qatar.