Decryption ng ballot images kaugnay sa election protest ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino laban kay Senador Leila de Lima, sinimulan na ng Comelec

Umusad na ang decryption ng mga ballot images kaugnay sa Election protest ni dating MMDA Chairman at ngayo’y Presidential political adviser Francis Tolentino laban kay Senador Leila de Lima.

Isinagawa ang decryption sa Comelec main office na dinaluhan ng mga kinatawan ng Senate electoral tribunal.

Sa pagtaya ng Comelec Election and Records statistics department na siyang nangangasiwa ng decryption, aabutin ng isang buwan ang buong proseso ng decryption ng mga balota.

Inaasahang matatapos sa unang araw ng decryption ang 1,781 na balota mula sa tatlong clustered precints sa Akbar at Al Barka sa Basilan.

Mahigit 283 libong balota mula sa 597 clustered precints ang kinukuwestyon ni Tolentino sa kaniyang protesta.

Ibibigay naman ng Comelec sa set ang printed at electronic copies ng mga decrypted ballot images kasama ang printed hashcodes.

 

Ulat ni Moira Encina

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *