Deep sea explorer nagsabing maaaring natagpuan na ang eroplano ni Amelia Earhart
Isang deep sea exploration company ang nagpalabas ng isang sonar image na ayon sa kanila ay maaaring remains ng eroplano ni Amelia Earhart, ang popular na American aviatrix na nawala sa Pacific Ocean noong 1937.
Sinabi ng Deep Sea Vision (DSV), isang South Carolina-based firm, na ang image ay nakunan makaraan ang maigting na paghahanap sa isang lugar sa Pacific sa kanluran ng planong destinasyon ni Earhart, ang remote Howland Island.
Si Earhart ay nawala habang nagsasagawa ng kauna-unahan niyang round-the-world flight kasama ang navigator na si Fred Noonan.
Ang kanyang pagkawala ay isa sa mga pinaka-nakagugulat na misteryo sa aviation lore, na bumighani sa mga istoryador sa loob ng maraming dekada, at naging tema ng mga libro, pelikula at napakaraming mga teorya.
Ang umiiral na paniniwala ay naubusan ng gasolina ang 39-anyos noong si Earhart, at 44-anyos na si Noonan, kaya isinasadsad nila ang twin-engine Lockheed Electra sa Pasipiko malapit sa Howland Island habang nasa mga huling bahagi ng kanilang mahabang paglalakbay.
(FILES) A May 20, 1937 photo shows US aviator Amelia Earhart at the controls of her Lockheed 10 Electra. – A deep sea exploration company released a sonar image on January 29, 2024 they say may be the remains of the plane of Amelia Earhart, the famed American aviatrix who disappeared over the Pacific in 1937. Deep Sea Vision (DSV), a South Carolina-based firm, said the image was captured after an extensive search in an area of the Pacific to the west of Earhart’s planned destination, remote Howland Island. (Photo by Albert BRESNIK / The Paragon Agency / AFP)
Ayon sa DSV, “The blurry image captured by an unmanned underwater submersible at a depth of 16,000 feet (5,000 meters) using side scan sonar reveals contours that mirror the unique dual tails and scale of her storied aircraft.”
Sinabi ni DSV chief executive Tony Romeo, “We always felt that she would have made every attempt to land the aircraft gently on the water, and the aircraft signature that we see in the sonar image suggests that may be the case.”
Ayon sa DSV, gumugol ang exploration team ng 90 araw sa paggalugad sa 5,200 square miles (13,500 square kilometers) ng Pacific Ocean floor, “nang higit sa mga nauna, pagsamahin mang lahat.”
Sinabi pa ng DSV, na sa ngayon ay isinisikreto muna nila ang eksaktong lokasyon, at nagpaplanong muli pang palawakin ang paghahanap.
Ngunit sinabi ni Romeo, na ang pagkakadiskubre ay nagawa gamit ang tinatawag na “Date Line theory,” na unang ginamit noong 2010 ni Liz Smith, isang dating kawani ng NASA.
Ipinalalagay ng teoryang ito na nakalimutan ni Noonan na ibalik ang kalendaryo ng isang araw habang lumilipad sila sa International Date Line, na nagresulta sa isang maling kalkulasyon ng kanyang celestial star navigation at isang westward navigational error na 60 milya (100 kilometro).
Si Earhart, na natanyag noong 1932 bilang unang babaeng lumipad nang solo sa Atlantic, ay umalis noong Mayo 20, 1937 mula sa Oakland, California, na umaasang magiging unang babaeng lumipad at nakaikot sa buong mundo.
Siya at si Noonan ay nawala noong Hulyo 2, 1937 pagkatapos lumipad mula sa Lae, Papua New Guinea, sa isang mahirap na 2,500-milyang (4,000-kilometrong) flight upang muling mag-refuel sa Howland Island, isang maliit na bahagi ng teritoryo ng US sa pagitan ng Australia at Hawaii.
Ngunit hindi na ito nangyari.