Defending champion Serbia, tabla ang laro sa ATP pool
MELBOURNE, Australia (Agence France-Presse) – Tabla ang laban sa pagitan ng defending champion na Serbia na pinangungunahan ni Novak Djokovic at ng Germany at Canada, sa group stage ng Association of Tennis Professionals (ATP) Cup.
Ang ATP cup ay inilunsad noong 2020 bilang katunggali ng Davis cup.
Dahil binawasan, 12 teams na lamang ang natira para maglaban-laban sa torneo na gaganapin sa Melbourne bilang curtain-raiser sa Australian Open, sa halip na isang multi-city format gaya noong nakaraang taon.
Ipinagpaliban din ang ito sa February 1-5 dahil sa COVID-19 sa host city, maging ang prize money ay kinalahati rin kayat US$7.5 million na lamang ito, na bunga ng pandemic-affected budget.
Tumabla ang Serbians sa Germany na pinangungunahan ni Alexander Zverev at isang Canada team na kinatatampukan nina Denis Shapovalov at Milos Raonic, sa Group A.
Sa Group B, pangungunahan ng Spanish great na si Rafael Nadal ang kaniyang team laban sa Greece at Australia, na tumanggap ng isang wild-card entry bilang tournament hosts.
Makakaharap naman ng team ng Austrian US Open champion na si Dominic Thiem, ang Italy at France sa Group C, habang maglalaban-laban naman sa Group D ang Russia, Argentina at Japan.
Noong nakaraang taon, matagumpay na nagamit ng world number one na si Djokovic ang event bilang Australian Open warm-up, kung saan pinangunahan niya ang Serbia sa panalo nito laban sa Spain sa final, bago niya napanalunan ang ikawalo niyang major title sa Melbourne Park at ang kaniyang ika-17 overall.
@agence france-presse