Deforestation, nagpalala sa matinding pagbaha sa Brazil
Sinabi ng mga eksperto na ang mapaminsalang pagbaha sa southern Brazil ay pinalala pa ng deforestation, na ang malaking dahilan ay ang soybean farming.
Dahil dito ay hinimok nila ang buong bansa na ibalik ang kanilang mga kagubatan at ang kanilang “vast water-retaining root systems.”
Ang pangunahing agricultural state ng Rio Grande do Sul ay tinamaan ng isang hindi pa naganap na climate disaster sa nakalipas na tatlong linggo, kung saan ang mga lungsod at kanayunan ay binaha sanhi ng malakas na pag-ulan na nag-iwan ng higit sa 150 kataong patay at humigit-kumulang 100 nawawala.
Ito na ang ika-apat na extreme weather event sa rehiyon nang wala pang isang taon, isang pangyayari na ayon sa mga siyentipiko ay bunga ng climate change at deforestation.
Sinabi ng biologist na si Eduardp Velez ng MapBiomas, isang organisasyon na gumagamit ng satellite images sa tracking ng deforestation, “There’s a global component to climate change, and also a regional one, which is the loss of native vegetation. That increased the intensity of the floods.”
Ayon sa grupo, ang Rio Grande do Sul ay nawalan na ng 22 percent ng kaniyang native vegetation, o 3.6 milyong ektarya, mula 1985 hanggang 2022.
Ang malaking bahagi ng nabanggit na wildlands ay napalitan na ng mga panamin na palay, eucalyptus at laluna ng soybeans, kung saan ang Brazil ang biggest producer at exporter sa buong mundo.
Ayon kay Jaqueline Sordi, isang biologist at journalist na nakabase sa rehiyon na ang espesyalisasyon ay climate issues, “Native forests help ensure water permeates the soil, preventing it from accumulating on the surface.”
Nakatutulong din ang kagubatan na manatili lang sa lugar ang lupa, upang maiwasan ang erosion at landslides.
Sinabi pa ni Velez, “The deep brown color of the water that has flooded the state capital, Porto Alegre, along with 90 percent of Rio Grande do Sul’s towns, ‘shows just how many tons and tons of soil were washed away’ in the rains.”
Aniya, “In a vicious cycle, that mud has now accumulated in the beds of rivers, making them shallower — and therefore more likely to flood next time.”
Dagdag pa nito, “Beyond relocating people (from high-risk areas) and rebuilding infrastructure, it’s extremely important to have policies on restoring native vegetation.”
Kailangang “agad” na maibalik ng Rio Grande do Sul ang higit sa isang milyong ektarya ng mga kagubatan upang magawa nito ang kaniyang papel sa kapaligiran, ayon sa isang pag-aaral noong 2023 ng sustainable development group na Instituto Escolhas.
Ngunit sinabi ni Velez na wala pa ring “heavyweight” plan na gawin iyon sa Rio Grande do Sul, sa kabila ng isang kasunduang nilagdaan noong nakaraang taon kasama ng iba pang mga estado sa southern at southeastern Brazil, na muling tamnan ang 90,000 ektarya sa 2026.
Sa national level, lumala ang deforestation sa ilalim ng pamahalaan ni dating pangulong Jair Bolsonaro, na nag-aalinlangan na mayroong climate change at ka-alyado ng makapangyarihang agribusiness sector, na nanungkulan sa Brazil mula 2019 hanggang 2022.
Ayon kay Sordi, “It became easier to get permits (to clear vegetation), and Rio Grande do Sul played a big role in benefitting from those permits.”
Noong isang linggo, lumikha ng kontrobersya ang isang lokal na municipal council member mula sa Liberal Party ni Bolsonaro na si Sandro Fantinel, nang sabihin nito na dapat ay magtanggal pa ng mga puno na nasa paligid ng mga kalsada, dahil ang bigat aniya ng mga ito at namamagang mga ugat na puno ng tubig, ang naging sanhi ng landslides nang magkaroon ng mga pagbaha.
Sinabi ni Sordi, “Disasters like the current one have the potential to ‘open people’s eyes’ to the scientific evidence of climate change and its ‘warning signs.’ Sometimes we only pay attention when the problem arrives.”