Deforestation sa Brazil Amazon nabawasan, mas marami pang indigenous reserves kinilala
Inihayag ng gobyerno na nabawasan ng 66 porsiyento ang deforestation sa Brazilian Amazon noong Agosto kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, habang inanunsiyo rin ang pagkilala sa dalawang bagong Indigenous reserves.
Sa isang seremonya kaugnay ng Amazon Day ay sinabi ni Environment Minister Marina Silva, “In August, we had a reduction of ‘66.11 percent in deforestation’ in Brazil’s share of the world’s biggest rainforest.”
Kasunod ito ng isang katulad na year-on-year na pagbaba sa 66 na porsiyento noong Hulyo — parehong mahahalagang buwan sa Amazon, kung saan ang deforestation ay karaniwang tumataas sa panahong ito ng taon sa simula ‘drier weather.’
Ayon sa INPE, ang satellite monitoring ng space research institute ng Brazil, sinira ng deforestation sa Brazilian Amazon ang 1,661 square kilometers (641 square miles) noong August 2022, ang huling taon ng termino ni Jair Bolsonaro.
Si Bolsonaro, na isang kaalyado ng makapangyarihang industriya ng agribusiness na siyang sinising may kaugnayan sa pagkasira, ang namahala sa malaking pagtaas ng deforestation sa Amazon.
Sinabi ni Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva, “These results show the determination of the Lula administration to break the cycle of abandonment and regression seen under the previous government. If we don’t protect the forest and its people, we’ll condemn the world to a brutal increase of CO2 emissions and, as a result, accelerating climate change.”
Si Lula, na dating namuno sa Brazil mula 2003 hanggang 2010, ay bumalik sa puwesto noong Enero na nangakong protektahan ang nanganganib na Amazon, na ang taglay na carbon-absorbing trees ay mahalagang panlaban sa global warming.
Susi sa pangakong iyon, ayon sa mga mananaliksik, ay ang Indigenous reserves, na itinuturing na mga balwarte laban sa deforestation.
Sa kaniyang pag-aanunsiyo ng dalawang bagong reserves ay sinabi ni Lula, “If there is no future for the Amazon and its people, there will be no future for the planet either.”
Noong Abril, ang kaniyang gobyerno ay naglabas na ng mga kautusan na kumikilala sa anim na bagong teritoryo ng Katutubo, na nagpapahintulot sa mga Katutubong mamamayan na sakupin ang lupain at magkaroon ng eksklusibong paggamit sa resources nito.
Anim na iba pa ang maaaring kilalanin din sa pagtatapos ng taon, ayon sa gobyerno.
Ang bansa ay mayroong nasa 800 reserves, ngunit humigit-kumulang 1/3 dito ay hindi pa opisyal na kinikilala, ayon sa Indigenous affairs agency ng Brazil.
Walang bagong reserves ang kinilala sa ilalim ni Bolsonaro.
Ang pagkilala at pagmamarka sa 187,000-ektaryang Rio Gregorio reserve at ang 18,000-ektaryang Acapuri de Cima reserve, ay ginawa habang hinihintay ng bansa ang isang pangunahing desisyon ng Korte Suprema na maaaring makadiskaril o makapagpatatag sa tagumpay ng mga Katutubo.
Sa kasalukuyan, ang kinikilala lamang ng batas ay ang ancestral territories na inokupahan ng Indigenous communities noong panahong iproklama ang konstitusyon ng Brazil noong 1988.
Ngunit sinabi ng Indigenous leaders, na ang ilang mga teritoryo ay hindi na inookupahan nang mga panahong iyon dahil ang mga komunidad ay pinatalsik na mula rito, partikular sa panahon ng diktadurang militar mula 1960s hanggang 1980s.
Ang kaso ay magpapatunay o magpapawalang-bisa sa 1988 cut-off. Sa ngayon, anim sa 11 hukom ang bumoto — apat laban sa cut-off, dalawa ang pabor. Nakatakdang ipagpatuloy ang pagboto sa Setyembre 20.
Ang Indigenous reserves ay umookupa sa 13.75 porsiyento ng teritoryo ng Brazil, na ang karamihan gaya ng dalawang naaprubahan nitong Martes ay nasa Amazon.