Deklarasyon ng state of public health emergency sa bansa dahil sa COVID-19 inalis na ni PBBM

Inalis na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang deklarasyon ng State of Public health emergency sa buong bansa dahil sa COVID-19 Pandemic.

Ito ay sa pamamagitan ng Proclamation No. 297

Ayon sa Pangulo, ang pag-lift ng public health emergency status ay dahil sa nagpapatuloy o mataas na vaccination coverage sa bansa kontra COVID-19 at pagbaba na rin ng bilang ng mga naitatalang kaso ng virus infection.

Bagaman nananatili pa ring seryosong banta ang COVID-19 sa mundo, napanatili naman ng Pilipinas ang sapat at matatag na healthcare system capacity at mababang bed utilization rates.

Marso, 2020 nang i-anunsiyo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon ng Public Health emergency upang maging mabilis ang pagtugon ng bansa sa COVID-19.

Nitong Mayo naman nang i-anunsyo ng World Health Organization (WHO) na hindi na ikinokonsiderang Global Health emergency ang COVID-19.

TL

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *