Delegasyon ng Hamas patungo na sa Cairo para sa truce talks
Patungo na sa Cairo ang delegasyon ng Hamas upang ipagpatuloy ang Gaza truce talks, habang nagbabala naman ang United Nations na ang banta ng Israel na pagsalakay sa Rafah ay maaaring magresulta sa isang “bloodbath.”
Naghihintay ang foreign mediators para sa Palestinian militant group na tumugon sa isang panukala na itigil ang labanan sa loob ng 40 araw, at makipagpalitan ng mga hostage para sa mga bilanggo ng Palestinian.
Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken, “The only thing standing between the people of Gaza and a ceasefire is Hamas.”
Natigil ang ilang buwan nang negosasyon na isa sa dahilan ay ang kahilingan ng Hamas para sa isang pangmatagalang tigil-putukan, at naging dahilan din ang paulit-ulit na pangako ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na durugin ang mga natitirang Hamas fighters sa Rafah.
Muli ring iginiit ni Blinken ang pagtutol ng Washington sa matagal nang banta ng opensiba sa Rafah, sa pagsasabing hindi nagpakita ng plano ang Israel upang protektahan ang mga sibilyang naninirahan doon.
Aniya, “Absent such a plan, we can’t support a major military operation going into Rafah because the damage it would do is beyond what’s acceptable.”
Israel’s relentless bombardment has left much the Gaza Strip in ruins / AFP
Nakiusap din sa Israel ang humanitarian groups at ang United Nations, na huwag nang ituloy ang pagsalakay sa Rafah kung saan nanganganlong ang 1.2 milyong katao.
Nagbabala ang director-general ng WHO na si Tedros Adhanom Ghebreyesus, na maaaring magkaroon ng matinding implikasyon ang paglusob ng Israel sa nasabing lungsod.
Ayon kay Ghebreyesus, “WHO is deeply concerned that a full-scale military operation in Rafah, Gaza, could lead to a bloodbath, and further weaken an already broken health system.”
Gayunman, inanunsiyo ng health agency ng UN na gumagawa pa rin ito ng mga contingency plan, pagpapanumbalik ng mga pasilidad sa kalusugan at pre-positioning supplies.
Sinabi naman ni Rik Peeperkorn, kinatawan ng WHO sa Palestinian territories, “This contingency plan is Band-Aids. The ailing health system will not be able to withstand the potential scale of devastation that the incursion will cause.”
Kinumpirma ng isang senior Hamas official, na isang delegasyon na pinangungunahan ni Khalil al-Hayya, deputy head ng political arm ng grupo sa Gaza, ang darating sa Cairo nitong Sabado ng umaga.
Israel’s siege has pushed many of Gaza’s 2.4 million people to the brink of famine / AFP
Iginiit ng Palestinian militant group, na nasa kapangyarihan na sa Gaza Strip simula pa noong 2007, na ikinukonsidera nito ang pinakabagong truce proposal nang may “positive spirit.”
Ngunit inakusahan ng isang mataas na opisyal ng Hamas si Netanyahu ng pagtatangkang idiskaril ang pinakahuling iminungkahing Gaza truce, sa pamamagitan ng kaniyang mga banta na itutuloy ang pagsalakay sa Rafah, may kasunduan man o wala.
Sinabi ng senior Hamas official na si Hossam Badran, “Netanyahu was the obstructionist of all previous rounds of dialogue… and it is clear that he still is. Netanyahu’s insistence on attacking Rafah was calculated to ‘thwart any possibility of concluding an agreement’ in the negotiations.”
Sa huling truce noong Nobyembre na tumagal ng mahigit isang linggo, 80 bihag ng Israel ang ipinagpalit para sa 240 bilanggo ng Palestinian.
Ayon sa Egyptian sources, bibigyan ng Israel ng isa pang linggo ang truce, kung mabibigo ay ilulunsad na nito ang matagal na nilang ibinababalang opensiba sa Rafah.