Delegasyon ng US sa inagurasyon ni President- elect BBM, inanunsiyo ni US Pres. Joe Biden
Pinangalanan na ni US President Joe Biden ang delegasyon ng Estados Unidos sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr. sa Hunyo 30.
Sa statement ng White House, sinabi na si US Second Gentleman Douglas Emhoff ang mangunguna sa delegasyon ng Amerika.
Makakasama rin sa delegasyon si US Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires, ad interim, Heather Variava.
Gayundin si Virginia Representative Bobby Scott.
Kabilang din sa US delegation sina Deputy Director Nani Coloretti, retired Admiral James Winnefeld Jr., Special Assistant to the President Edgard Kagan, at Chantale Wong ng Asian Development Bank.
Moira Encina