Delta plane bumaligtad nang makalapag sa Toronto Airport, 18 katao, nasaktan

Emergency responders operate around a plane on a runway after a plane crash at Toronto Pearson International Airport in Mississauga, Ontario, Canada February 17, 2025. REUTERS/Cole Burston
Labingwalo katao ang nasaktan makaraang bumaligtad ang isang Delta Air Lines regional jet na may lulang walompung katao, habang ito ay papalapag sa Toronto Pearson Airport sa Canada dahil sa mahanging lagay ng panahon kasunod ng isang snowstorm.
Sinabi ng mga awtoridad, na tatlo sa pasahero ng eroplano na nagmula sa Minneapolis-St. Paul International Airport ang malubhang nasaktan, kabilang ang isang bata.

Emergency responders operate around a plane on a runway after a plane crash at Toronto Pearson International Airport in Mississauga, Ontario, Canada February 17, 2025. REUTERS/Cole Burston
Ayon sa U.S. carrier Delta, sangkot sa aksidente ang isang CRJ900 aircraft na ino-operate ng kanilang Endeavor Air subsidiary.
Ang 16 na taong gulang nang CRJ900, na ginawa ng Bombardier ng Canada, at pinagagana ng GE Aerospace engines, ay kayang maglaman ng hanggang 90 katao.
Sinabi ng Canadian authorities na iimbestigahan nila ang sanhi ng aksidente.

An emergency responder works around an aircraft on a runway, after a plane crash at Toronto Pearson International Airport in Mississauga, Ontario, Canada February 17, 2025. REUTERS/Cole Burston REUTERS/Cole Burston
Ang pasaherong si John Nelson ay nag-post ng isang video pagkatapos ng aksidente, kung saan makikitang binubugahan ng tubig ng trak ng bumbero ang eroplanong nakatihaya sa tarmac ng paliparan na nababalutan ng yelo.
Kuwento ni Nelson, “We hit the ground, and we were sideways, and then we were upside down. I was able to just unbuckle and sort of fall and push myself to the ground. And then some people were kind of hanging and needed some help being helped down, and others were able to get down on their own.”
Una nang sinabi ng Pearson Airport, na dumaranas sila ng malakas na hangin at napakalamig na temperatura, habang tinatangka naman ng mga airline na punan ang mga na-miss na flight, makaraan ang pagtama ng snowstorm nitong weekend na nagbagsak ng higit sa 22 cm (8.6 pulgada) ng yelo sa paliparan.
Ang Delta plane ay nag-touch down sa Toronto bandang 2:13 p.m. (1913 GMT) pagkatapos ng 86 minutong flight at humimpil malapit sa intersection ng runway 23 at runway 15, ayon sa flight tracking website na FlightRadar24.

First responders work at the Delta Air Lines plane crash site at Toronto Pearson International Airport in Mississauga, Ontario, Canada February 17, 2025. REUTERS/Arlyn McAdorey
Ayon sa isang recording ng insidente na naipost sa liveatc.net, sinabi ng isang emergancy worker sa air traffic control tower, “The aircraft is upside down and burning,” matapos na mapansin ng isang controller na ilang mga pasahero ang naglalakad malapit sa tumihayang eroplano.
Sinabi ni Deborah Flint, presidente ng Toronto airport, “The absence of fatalities is attributed in part to the work of first responders at the airport. We are very grateful that there is no loss of life and relatively minor injuries.”
Ayon naman kay Michael J. McCormick, associate professor sa air traffic management ng Embry-Riddle Aeronautical University, “The upside-down position made the crash fairly unique. But the fact that 80 people survived an event like this is a testament to the engineering and the technology, the regulatory background that would go into creating a system where somebody can actually survive something that not too long ago would have been fatal.”
Lahat ng 18 kataong nasaktan ay pawang mga pasahero ng eroplano, na dinala sa area hospitals ayon sa pahayag ng Delta.
Sinabi ni Lawrence Saindon, supervisor ng Peel Regional Paramedic Services, na sa mga nasaktan ay dalawa ang isinakay ng aircraft papunta sa trauma centers, at ang bata ay inilipat sa isang children’s hospital.

An emergency responder works near an aircraft on a runway, after a plane crash at Toronto Pearson International Airport in Mississauga, Ontario, Canada February 17, 2025. REUTERS/Cole Burston REUTERS/Cole Burston
Ang paliparan ng Toronto ay isinara nang higit sa dalawang oras bago itinuloy ang departures at arrivals, na nagdulot ng ground delays at diversion sa iba pang mga paliparan kabilang ang Montreal-Trudeau International Airport, na nagsabing handa itong tumanggap ng ilang diverted flight na maaaring magdulot ng karagdagang pagkaantala.
Sinabi ni Flint, na magkakaroon ng ilang epekto sa pagpapatakbo at pagkaantala sa paliparan ng Toronto sa mga susunod na araw, habang ang dalawang runway ay nanatiling sarado para sa imbestigasyon.
Ayon naman sa Transportation Safety Board of Canada (TSB), magdedeploy ito ng isang team ng mga imbestigador, habang sinabi ng U.S. National Transportation Safety Board, na isang grupo ng mga imbestigador ang tutulong sa TSB ng Canada.
Nagpahayag ang Mitsubishi Heavy Industries ng Japan, na nakipagsaraduhan na ng kasunduan para bilhin ang CRJ aircraft program mula sa Bombardier noong 2020, na alam nito ang insidente at ganap na makikipagtulungan sa imbestigasyon.