Delta variant cases na naitala sa bansa umabot na sa mahigit 200
Umabot na ngayon sa 216 ang kabuuang bilang ng Delta variant cases sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ng 97 bagong Delta variant cases ang Department of Health matapos ang pinakahuling sequencing ng Philippine Genome Center.
Sa datos ng DOH, sa 97 bagong kaso ng Delta variant, ang 88 ay local cases, ang 6 ay Returning Overseas Filipinos habang bineberipika naman ang 3.
Sa 6 na ROF na ito, 2 ang seafarer mula sa MT Clyde at Barge na Claudia na kasalukuyang naka-angkla ilang kilometro mula sa pantalan sa Sto Domingo sa Albay.
Ang 4 na iba ay crew naman ng MV Vega na dumating mula sa Indonesia.
Ayon sa DOH, sa 97 bagong kaso ng Delta variant ay nakarekober na ang 94 habang nasawi naman ang 3.
Samantala, may 83 bagong Alpha variant cases din na naitala ang DOH dito sa bansa.
Ang 58 rito ay local cases habang bineberipika naman ang 25.
Nakarekober naman na ang 70 sa kanila habang inaalam pa ng DOH ang sitwasyon ng 13.
Sa kabuuan, may 1,858 Alpha variant cases na ang naitala sa bansa.
Nadagdagan naman ng 127 ang kasong Beta variant sa bansa.
Sa mga bagong kaso na ito, 87 ay local cases habang bineberipika naman ang 40.
1 nalang naman sa kanila ang aktibong kaso pa habang nakarekober na ang 86, inaalam pa naman ng DOH ang sitwasyonng 29.
Sa kabuuan, umabot na sa 2,146 Beta variant cases ang naitala sa bansa.
May 22 naman na P.3 o Philippine variant na naitala sa bansa.Ang 7 sa kanila nakarekober na habang inaalam naman ang sitwasyon ng 15.
Madz Moratillo