Demolisyon at major road repair sa mga tulay sa NCR, kasado na – DPWH

Kasado na ang gagawing demolisyon at major repair sa mga tulay sa Metro Manila na humihina na ang mga pundasyon.

Sa tala, aabot na sa 33 mga tulay sa NCR ang isinailalim ng DPWH sa rehabilitasyon.

Inamin ni Department of Public Works and Highways o DPWH-NCR Director Melvin Navarro na ang naging dahilan ng major wreckage sa apat na dekadang Otis Bridge sa Paco, Maynila ay ang pagdaan ng mga mabibigat at malalaking trak patungong Port area.

Dahil dito, ayon kay Navarro, kailangan na talagang buwagin ang nasabing tulay para sa total replacement nito.

Naiba kasi yung istorya nitong Otis dahil naka-plano na gagawin sana namin ito noong 2016 pa. kaso nasabay sa mga construction dito sa Quirino Highway.  So nadelay ng nadelay kaya ginawa nang alternate route ng mga trak kaya lalung nasira”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *