Dengue cases bumaba sa lahat ng rehiyon sa bansa ayon sa DOH
Sa gitna ng mga pag-ulang naranasan nitong mga nakalipas na linggo..iniulat ng Department of Health ang pagbaba ng naitalang kaso ng dengue sa kabuuan ng bansa.
Sa monitoring ng DOH, mula enero 1 hanggang hulyo 15 ng taong ito, bumaba ng 17 percent ang kaso ng dengue sa pilipinas kung saan mula sa dating 96,500 noong 2022 ay bumaba ito sa 80,318 ngayong taon.
Malaki rin ang ibinaba ng bilang ng mga nasawi ngayong taon na nasa 299 kumpara sa 405 sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa datos ng DOH, bumaba ang dengue cases sa halos lahat ng rehiyon sa bansa..maliban sa mimaropa na may pinakamalaking itinaas na kaso, sinundan ng Calabarzon, Davao region, Socksargen, Northern Mindanao, at Metro Manila.
Pero kung pagbabatayan ang monitoring ng kagawaran mula july 9 hanggang 15, bumaba ang dengue cases sa lahat ng rehiyon sa bansa at wala ring naitalang nasawi.
Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na ang dengue ay all year round na kaya para makaiwas rito sundin ang 5 s strategy.
Ito ang search and destroy iyong mga posibleng breeding site ng lamok, self protection gaya ng paggamit ng insect repellants, seek early consultation kung may sintomas ay agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health care facility, support fogging, spraying ang misting in hot spot areas at panghuli sustain hydration.
Madelyn Moratillo